Attraction
Attraction is a wonderful thing,
But sometimes, it's hard to pick the pieces
that it can leave behind.

Shattered soul
Heartaches are unbearable,
And seeing the truth in the pain of loving you
Will shatter my soul.


Realidad
iba pala talaga kapag nasa harap mo na ang realidad. wala na akong ibang naiisip kundi ang realidad at sya. sya ang realidad. tinamaan ako ng realidad. larawan sya ng pantasya pero sya ang realidad na nagsusuma sa lahat ng emosyon na bumabalot sakin nung mga oras na yun. ang dahilan kung bakit ko naiisip ang mga ganitong klase ng salita.

Kasabay ng pagtila ng Ulan
wala na... nawala na ng bigla. hindi ko rin alam kung paano. ngunit may mga bagay at pagkakataon na kung saan ay tumatama ito at sadyang ipinapaalala na hindi dapat at lalo na, na walang pag-asa. ngunit ngayon ay tila hindi na mahalaga pa ang mga bagay na iyon sa pagkat aking napagtanto na ito'y kusang naglaho. siguro nga ay mas mabuti ang ganito. tila wala ng bumabagabag sa aking isipan. ang damdaming dati'y paikot-ikot, ngayo'y bigla na lang akong nilisan. marahil akin na ngang natanggap ang pagkabigo at nagsawa na sa walang humpay na pagkakahimlay. ngunit kung sa kaling sa kinabukasan ika'y lumihis at magtungo sa aking landas... asahang ika'y aking aangkinin.

Huling Araw sa Unang Araw ng Linggo
hindi ko alam kung papaano sisimulan. marahil sa sobrang dami ng gustong sabihin, iparamdam ay hindi na alam kung papaano at kung dapat pang aminin ang lahat ng ito. hindi magkamayaw ang mga salita at emosyong wari'y nag-uunahang mamutawi sa aking labi. nagsisimula nang mamuo ang tensyon at kaba sa aking dibdib sa mga nalalabing oras at minuto na tila ba mabilis na nagdaraan. naririnig ang iyong boses... at napapaisip. tila ba bumubulong ang hangin at sinasabing ako'y nauubusan na ng panahon upang ika'y makasama at masabi ang aking nadarama. ako'y nangangamba na sa pagsapit ng dapit hapon ay hindi ka na makita pa sa mga susunod na araw...buwan...at mga taon. nanghihinayang sa bawat araw at pagkakataong ikaw sana'y aking makilala pa ng lubos. ngunit ipagpatawad mo, sadya yata ako'y naduduwag, natutuliro sa tuwing ika'y nandiriyan. nais ko sanang sabihing salamat. maraming salamat dahil ako'y iyong ginising sa matagal na pagkakahimlay. ang mga sandaling hindi mo man maaalala ngunit sa aking isipa'y mananatiling nakatatak at itatago habang buhay. pasensya na. maraming salamat.